The Victory of Faith | Ang Tagumpay ng Pananampalataya
HEBREWS 11 – PART 10 - “THE VICTORY OF FATIH “ - The Red Sea
ANG TAGUMPAY NG PANANAMPALATAYA – DAGAT NA PULA
For June 06, 2021 – Sunday Online Worship Service
Bible
Version: ABAB AND NASB
MGA SUSING TALATA
Heb 11:28 Sa pananampalataya'y itinatag niya ang
paskuwa at ang pagwiwisik ng dugo, upang huwag silang galawin ng Mamumuksa ng
mga panganay.
Ø 28 By
faith he kept the Passover and the sprinkling of the blood, so that he who
destroyed the firstborn would not touch them.
Heb 11:29 Sa pananampalataya'y tinahak nila ang Dagat
na Pula na tulad sa tuyong lupa, ngunit nang tangkaing gawin ito ng mga Ehipcio
ay nalunod sila.
Ø 29 By
faith they passed through the Red Sea as though they were passing through dry land; and the Egyptians, when
they attempted it, were drowned.
PASIMULA:
Sa pagkakataong ito ay ating titingnan ang dakilang
pagtatagumpay na ibinigay ng Dios kay Moises at sa mga Anak ni Israel nang
Kanyang gabayan sila sa pagtawid sa Dagat na Pula na hinati ng Dios upang
makatawid ang Israel at maligtas sa naka ambang panganib sa tabak ng
makapangyarihang hukbo ni Faraon.
Mapapansin na sa huling pag-aaral natin sa Hebreo 11:23-27
(“Decision of Fatih”) ay nakatuon tayo sa pag-aaral ng pananampalataya ni
Moises, datapuwa’t ngayon naman sa talatang 28-29 ay sa pananampalataya, di
lamang kay Moises kundi bagkus maging sa pananampalataya ng bayan ng
Israel.
I. PASSOVER – PASKUA
Heb 11:28 Sa pananampalataya'y itinatag niya ang
paskuwa at ang pagwiwisik ng dugo, upang huwag silang galawin ng Mamumuksa ng
mga panganay.
Ø 28 By
faith he kept the Passover and the sprinkling of the blood, so that he who
destroyed the firstborn would not touch them.
1. Ang Paskua
Ang PASKUA ay yaong tinatawag na passover. Ito ay isang pagdiriwang ng mga Judio
hanggang sa panahong kasalukuyan na nagsimula nuong huling gabi ng mga
Israelita sa bansa ng Ehipto. Dito ay
iniutos ng Diyos sa buong bayan ng Israel sa pamamagitan ni Moises na sila ay magsagawa
ng kanilang huling hapunan sa lupain ng Ehipto dahil sa kinabukasan ay aalis na
sila at tutungo na sa lupang pangako sa Canaan.
Ang lupaing ipinangako ng Diyos kay Abraham.
Ang instruction sa Diyos sa kanila sa pagsasagawa ng Paskua
ay sila ay kukuha sila ng isang tupa na kanilang iihawin at kakainin nila ito
ng may tinapay na walang pampaalsa kasama ng mga mapapait na gulay. Ang kanilang mga pananamit habang kumakain ay
sila ay nakasuot na ng pangyapak at nakabigkis na ang kanilang mga baywang na
tanda na sila ay aalis na.
Exo 12:11 Sa ganitong paraan ninyo kakainin ito: may
bigkis ang inyong baywang, ang mga sandalyas ay nakasuot sa inyong mga paa, at
ang inyong tungkod ay nasa inyong kamay; at dali-dali ninyong kakainin ito. Ito
ang paskuwa ng PANGINOON.
Ø 11 Now you shall eat it in this
manner: with your
loins girded, your sandals on your feet, and your staff in your hand; and you
shall eat it in haste--it is the LORD’S Passover.
2. At tungkol sa pagwiwisik ng dugo:
Exo 12:21 Nang magkagayo'y ipinatawag ni Moises ang
lahat ng matatanda sa Israel, at sinabi sa kanila, "Kayo'y lumabas at
kumuha ng mga kordero ayon sa inyu-inyung sambahayan, at magpatay kayo ng
kordero ng paskuwa.
Ø 21 Then
Moses called for all the elders of Israel and said to them, “Go and take for
yourselves lambs according to your families, and slay the Passover lamb.
Exo 12:22 Kayo'y kumuha ng isang bigkis na isopo,
inyong ilubog sa dugo na nasa palanggana, at inyong pahiran ng dugo ang itaas
ng pinto at ang dalawang haligi ng pinto ng dugong nasa palanggana; sinuman sa
inyo ay huwag lalabas sa pinto ng
kanyang bahay hanggang sa kinaumagahan.
Ø 22 You
shall take a bunch of hyssop and dip it in the blood which is in the basin, and
apply some of the blood that is in the basin to the lintel and the two
doorposts; and none of you shall go outside the door of his house until
morning.
Exo 12:23 Sapagkat ang PANGINOON ay daraan upang
patayin ang mga Ehipcio; pagkakita niya ng dugo sa itaas ng pinto at sa
dalawang haligi ng pinto, lalampasan ng PANGINOON ang pintong iyon at hindi
niya hahayaang pumasok ang mamumuksa sa inyong mga bahay upang patayin kayo.
Ø 23 For
the LORD will pass through
to smite the Egyptians; and when He sees the blood on the lintel and on the two
doorposts, the LORD will
pass over the door and will not allow the destroyer to come in to your houses
to smite you.
ITO NA ANG IKA-SAMPUNG SALOT NA IPINADALA NG DIYOS SA LUPAIN
NG EHIPTO UPANG ANG ISRAEL AY MAPALAYA MULA SA PAGKAKAALIPIN.
Exo 12:29 Pagsapit ng hatinggabi, pinatay ng PANGINOON
ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Ehipto, mula sa panganay ng Faraon na
nakaupo sa kanyang trono, hanggang sa panganay ng bihag na nasa bilangguan, at
lahat ng panganay sa mga hayop.
Ø 29 Now
it came about at midnight that the LORD struck
all the firstborn in the land of Egypt, from the firstborn of Pharaoh who sat
on his throne to the firstborn of the captive who was in the dungeon, and all
the firstborn of cattle.
Exo 12:30 Ang Faraon ay bumangon nang gabi, pati ang
lahat ng kanyang mga lingkod at lahat ng mga Ehipcio; at nagkaroon ng isang
malakas na panaghoy sa Ehipto sapagkat walang bahay na walang namatay.
Ø 30 Pharaoh
arose in the night, he and all his servants and all the Egyptians, and there
was a great cry in Egypt, for there was no home where there was not someone
dead.
NANG GABI RING IYON AY IPINATAWAG NI FARAON SI MOISES AT
SINABI NI FARAON NA MAKAAALIS NA ANG BUONG ISRAEL.
3. Aral mula sa Hebreo 11:28
Marami sa Matandang Tipan na ipinagawa ng Diyos sa
pamamagitan ni Moises, mga ritual at mga pamamaraan ng paglilingkod nila nuon,
ay sagisag/symbolic ng panahong kasalukuyan sa Bagong Tipan. Tulad ng dugo ng Cordero ng Paskua na
ipinahid ng mga Israelita sa mga haligi ng kanilang mga pintuan na dahil duon
ay nilagpasan sila ng “DESTROYER”/”ANGEL OF DEATH” nuong huling gabi nila sa
Ehipto.
DITO AY NAKITA NATIN ANG TAGUMPAY NG PANANAMPALATAYA AY
NAGBUNGA NG KALIGTASAN PARA SA MGA ISARAELITA;
NA KUNG HINDI NILA SINUNOD ANG MGA TAGUBILIN NG DIOS NA MAGPAHID NG DUGO
NG TUPA SA HALIGI NG KANILANG MGA PINTUAN AY NAPUKSA DIN ANG KANILANG MGA
PANGANAY.
Nagawa ni Moises at ng mga Israelita ang mga bagay na iyan
dahil sa kanilang pananampalataya, dahil sabi ng ng talata … “Sa
pananampalataya…”. Kung hindi sila
nanampalataya sa tagubilin ng Diyos, ano nga naman ba ang lohika na magpapahid
ka ng dugo sa haligi ng pintuan? Walang
scientific explanation para magpaliwanag kung paano ka maililigtas ng pagpahid
ng dugo. Ngunit dahil sa pananampalataya
ay sinunod nila ang tagubilin ng Diyos at sila ay naligtas nang gabing iyon.
4. Ang sukdulang tagumpay ng ating pananampalataya
Sa ating mga Cristiano naman ang sukdulang tagumpay ng ating
pananampalataya kay Cristo ay mapagtatagumpayan din natin ang kasalanan na
nagdudulot ng kamatayan at sa huli ay makakamtan natin ang pagkabuhay na
mag-uli sa buhay na walang hanggan dahil sa dugo ng Cordero ng Diyos na si
Jesu-Cristo.
1Co 15:54 Subalit kapag itong may pagkasira ay
mabihisan ng walang pagkasira at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang
kamatayan, ay mangyayari ang salitang nasusulat, "Ang kamatayan ay nilamon
sa pagtatagumpay."
Ø 54 But when this perishable will have put
on the imperishable, and this mortal will have put on immortality, then will
come about the saying that is written, “DEATH IS
SWALLOWED UP in victory.
1Co 15:55 "O kamatayan, nasaan ang iyong
pagtatagumpay? O kamatayan, nasaan ang iyong tibo?"
Ø 55 O DEATH, WHERE IS YOUR VICTORY? O DEATH, WHERE IS YOUR STING?”
1Co 15:56 Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan, at
ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan.
Ø 56 The sting of death is sin, and the
power of sin is the law;
1Co 15:57 Subalit salamat sa Diyos, na nagbibigay sa
atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Ø 57 but thanks be to God, who gives us
the victory through our Lord Jesus Christ.
1Co 15:58 Kaya, mga kapatid kong minamahal, kayo'y
maging matatag, hindi nakikilos, na laging sagana sa gawa ng Panginoon, yamang
nalalaman ninyo na hindi walang kabuluhan ang inyong gawa sa Panginoon.
Ø 58 Therefore, my beloved brethren, be
steadfast, immovable, always abounding in the work of the Lord, knowing that
your toil is not in vain
in the Lord.
II. CROSSING THE RED SEA
Heb 11:29 Sa pananampalataya'y tinahak nila ang Dagat na Pula na tulad sa tuyong lupa, ngunit nang tangkaing gawin ito ng mga Ehipcio ay nalunod sila.
Ø 29 By
faith they passed through the Red Sea as though they were passing through dry land; and the Egyptians, when
they attempted it, were drowned.
Ang ilang mga detalye ng mga pangyayari mula sa pag-alis ng
mga Israelita sa Ehipto hanggang sa makatawid sila sa Red Sea ay nagpapakita ng
pagkilos ng pananampalataya upang magtagumpay.
1.
ANG EKSENA:
Ø 37 Now the sons of Israel journeyed
from Rameses to Succoth, about six hundred thousand men on foot, aside from
children.
Tinutugis sila ng hukbo ni Faraon sa kanilang likuran at sa
harapan nila ay ang dagat na Pula o ang Red Sea.
Hindi na nga malayo na sila ay natakot gaya na nga ng
isinaad ng kasaysayan
Ø 10 As Pharaoh drew near, the sons of
Israel looked, and behold, the Egyptians were marching after them, and they
became very frightened; so the sons of Israel cried out to the LORD.
Dito ay nakikita natin na sukdulang imposible na ang
situasyon. Nasa bingid na ng hanganan at
wala ng pupuntahan upang makatakas.
Datapuwa’t, wika nga ng ilan: “Ang hanganan ng tao ay oportunidad sa
Dios” (“Man’s extremity is God’s opportunity”).
Sa makapangyarihang pagtatagumpay laban kay Faraon at sa kanyang hukbo,
na naganap sa dagat na pula, ay mapapansin natin ang mga pangyayari ng
pagtatagumpay ng pananampalataya. Dahil
sa pananampalataya sa Dios, ni Moises at ng mga Israelita, ang Dios ay naglaan
ng daan na kung saan itinulot Niya ang makapangyarihang pagtatagumpay.
III. ANG MATAGUMPAY NA PANANAMPALATAYA
1. ANG MATAGUMPAY NA PANANAMPALATAYA AY ANG PANANAMPALATAYANG HIGIT NA DAKILA KAYSA ANOMANG TAKOT
1.1 – Pansinin natin ang sinabi ang unang tatlong mga kataga
ni Moises sa Israel na “huwag kayong matakot”.
Ø 13 But Moses said to the people, “Do
not fear! Stand by and see the salvation of the LORD which He will accomplish for you
today; for the Egyptians whom you have seen today, you will never see them
again forever.
Paglakad sa ibabaw ng tubig:
Ø 30 But seeing the wind, he became frightened,
and beginning to sink, he cried out, “Lord, save me!”
Mat 14:31 Inabot kaagad ni Jesus ang kamay niya at
hinawakan siya, na sinasabi sa kanya, "O ikaw na maliit ang
pananampalataya, bakit ka nag-alinlangan?"
Ø 31 Immediately Jesus stretched out His
hand and took hold of him, and said to him, “You of little faith, why did you
doubt?”
Ø 22 Now on one of those days Jesus and His
disciples got into a boat, and He said to them, “Let us go over to the other
side of the lake.” So they launched out.
Luk 8:23 Samantalang sila'y naglalayag siya'y
nakatulog. Dumating ang unos sa lawa, at sila'y napupuno ng tubig at
nanganganib.
Ø 23 But as they were sailing along He
fell asleep; and a fierce gale of wind descended on the lake, and they began to be swamped and to be in
danger.
Luk 8:24 Sila'y lumapit at ginising siya na nagsasabi,
"Guro, Guro, tayo'y napapahamak!" Siya'y gumising at sinaway ang
hangin at ang pagngangalit ng tubig. Ang mga ito'y huminto at nagkaroon ng
kapayapaan.
Ø 24 They came to Jesus and woke Him up,
saying, “Master, Master, we are perishing!” And He got up and rebuked the wind
and the surging waves, and they stopped, and it became calm.
Luk 8:25 Sinabi niya sa kanila, "Nasaan ang
inyong pananampalataya?" At sila'y natakot at namangha, at sinabi sa
isa't isa, "Sino nga kaya ito, na kanyang inuutusan maging ang hangin at
tubig at sila'y sumusunod sa kanya?"
Ø 25 And He said to them, “Where is your
faith?” They were fearful and amazed, saying to one another, “Who then is this,
that He commands even the winds and the water, and they obey Him?”
1.2 – Magtiwala sa Dios kaysa matakot.
Ø 2“Behold, God is my salvation, I will trust
and not be afraid; For the LORD GOD is my strength
and song, And He has become my salvation.”
2.
ANG MATAGUMPAY NA PANANAMPALATAYA AY TUMITIGIL
AT NAGTITIWALA SA DIOS UPANG KUMILOS
Exo 14:14 Ipaglalaban kayo ng PANGINOON at ang dapat
lamang ninyong gawin ay manahimik."
Ø 14 The LORD will fight for you while you keep
silent.”
3.
ANG MATAGUMPAY NA PANANAMPALATAYA AY HUMAHAKBANG
UPANG GAWIN ANG MGA BAGAY NA IMPOSIBLE
Ø 16 As for you, lift up your staff and
stretch out your hand over the sea and divide it, and the sons of Israel shall
go through the midst of the sea on dry land.
Ø 21 Then
Moses stretched out his hand over the sea; and the LORD swept the sea back by a strong east wind all
night and turned the sea into dry land, so the waters were divided.
Ø 27 But He said, “The things that are
impossible with people are possible with God.”
4.
ANG MATAGUMPAY NA PANANAMPALATAYA AY NANANATILI
HANGGANG SA WAKAS
Ø 22 The sons of Israel went through the
midst of the sea on the dry land, and the waters were like a wall to them on their right hand and on their
left.
Num 23:19 Ang Diyos ay hindi tao, na magsisinungaling,
ni anak ng tao na magsisisi. Sinabi ba niya at hindi niya gagawin? O sinalita
ba niya at hindi niya tutuparin?
Ø 19“God is not a man, that He should lie, Nor
a son of man, that He should repent; Has He said, and will He not do it? Or has
He spoken, and will He not make it good?
Heb 6:18 upang sa pamamagitan ng dalawang bagay na di
mababago, na dito'y hindi maaaring magsinungaling ang Diyos, tayong nagtungo sa
kanlungan ay magkaroon ng higit na katiyakang panghawakan ang pag-asang
nakalagay sa harapan natin.
Ø 18 so that by two unchangeable things
in which it is impossible for God to lie, we who have taken refuge would have
strong encouragement to take hold of the hope set before us.
IV.
ARAL O MENSAHE: Ang Resulta ng matagumpay na
pananampalataya
Sa conclusion ng ating pag-aaral na ito ay mapapansin natin ang resulta ng pananampalatayang katulad ng ating inilahad: ang resulta o bunga ng matagumpay na pananampalataya. Sa madaling salita, kung mayroon mang katulad ng “Dagat na Pula” sa ating buhay, ay tinatanggal natin ang ating takot sa pamamagitan ng ating pagtitiwala at pananampalataya sa Dios. Dahil nauunawaan natin na hindi pahihintulot ng Dios ang anomang bagay na makapagpapahamak sa atin at tapat ang Dios sa lahat ng Kanyang mga pangako. Ano ang maaaring maging resulta ng lahat ng mga bagay na ito?
1. UNA - ANG PANGALAN NG PANGINOON AY MAPARARANGALAN.
Ito nga ang naging resulta na natala sa kasaysayang
ito. Ang mga Egipcio ay natakot at
kinilala ang kapangyarihan ng Panginoon.
Sa Exodo 15:1-19 ay mababasa natin ang awit ni Moises ng pasasalamat,
pagparangal, at pagsamba sa Dios bunga nga mga pangyayaring ito.
Exo 14:17 Aking pagmamatigasin ang puso ng mga Ehipcio
upang sundan nila kayo at ako'y magkakaroon ng karangalan kay Faraon at
sa buo niyang hukbo, sa kanyang mga karwahe, at sa kanyang mga mangangabayo.
Ø 17 As for Me, behold, I will harden the
hearts of the Egyptians so that they will go in after them; and I will be
honored through Pharaoh and all his army, through his chariots and his
horsemen.
Exo 14:18 Malalaman ng mga Ehipcio na ako ang
PANGINOON, kapag ako ay nakakuha na ng karangalan kay Faraon, sa kanyang
mga karwahe, at sa kanyang mga mangangabayo."
Ø 18 Then the Egyptians will know that I
am the LORD, when
I am honored through Pharaoh, through his chariots and his horsemen.”
Exo 14:25 Kanyang nilagyan ng bara ang gulong ng
kanilang mga karwahe kaya't ang mga iyon ay hirap na hirap sa pag-ikot; kaya't
sinabi ng mga Ehipcio, "Takbuhan na natin ang Israel, sapagkat
ipinaglalaban sila ng PANGINOON laban sa mga Ehipcio."
Ø 25 He caused their chariot wheels to
swerve, and He made them drive with difficulty; so the Egyptians said, “Let us
flee from Israel, for the LORD is
fighting for them against the Egyptians.”
2.
IKALAWA.
ANG BAYAN NG DIOS AY NALIGTAS.
SA EXODO 14:29-30 AY MAPAPANSIN NATIN NA ANG PANANAMPALATAYA
NG BAYAN AY LALONG LUMAKAS
Ø 29 But the sons of Israel walked on dry
land through the midst of the sea, and the waters were like a wall to them on their right hand and on their
left.
Ø 30 Thus the LORD saved Israel that day from the
hand of the Egyptians, and Israel saw the Egyptians dead on the seashore.
Exo 14:31 Nakita ng Israel ang dakilang gawa na ginawa
ng PANGINOON sa mga Ehipcio, at ang taong-bayan ay natakot sa PANGINOON at
sila'y sumampalataya sa PANGINOON at sa kanyang lingkod na si Moises.
Ø 31 When Israel saw the great power
which the LORD had
used against the Egyptians, the people feared the LORD, and they believed in the LORD and in His
servant Moses.
3. IKATLO - ANG KAPANGYARIHAN NG KADILIMAN AY NAGAPI.
Exo 14:27 Kaya't iniunat ni Moises ang kanyang kamay sa
ibabaw ng dagat, at ang dagat ay bumalik sa kanyang dating lalim nang
mag-uumaga na. Habang ang mga Ehipcio ay tumatakas, inihagis ng PANGINOON ang
mga Ehipcio sa gitna ng dagat.
Ø 27 So Moses stretched out his hand over
the sea, and the sea returned to its normal state at daybreak, while the
Egyptians were fleeing right into it; then the LORD overthrew the Egyptians in the midst
of the sea.
Exo 14:28 Ang tubig ay bumalik at tinakpan ang mga
karwahe, ang mga mangangabayo, ang buong hukbo ng Faraon na sumunod sa kanila
sa dagat; walang natira kahit isa sa kanila.
Ø 28 The waters returned and covered the
chariots and the horsemen, even Pharaoh’s entire army that had gone into the
sea after them; not even one of them remained.
4.
PANANAMPALATAYA – ANG PAGTATAGUMPAY NA DUMADAIG
SA SANGLIBUTAN
Ø 4 For whatever is born of God overcomes
the world; and this is the victory that has overcome the world--our faith.
-Wakas -

Comments
Post a Comment